Kamag-anakan ng Microsoft Windows

Ang Microsoft Windows, kilala rin sa katawagang Windows o MS-Windows, ay isang kamag-anakan ng mga kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft. Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang kapaligirang pampamamalakad at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS-DOS pa rin isinasalalay, lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na. At noong simula rin, ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang-alang sa mga tahanan lamang, at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT. Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP, na nagsanib ng dalawang hanay na pang-OS ng Microsoft, ang Microsoft Windows at ang Windows NT. Sa kasalukuyan, ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo. Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13% ng pamilihang pang-OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82%; ito ang Mac OS ng Apple Inc.. Bagaman sa laki ng agwat na ito, mayroon pa ring ilang nagsasabing ipinapanganiban pa rin ang Windows na bumagsak. Nagsimula ang Microsoft Windows bilang isang pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kapaligirang pampamamalakad ng mga kompyuter ng IBM at iba pang mga kahalintulad na kompyuter na tumatakbo sa ilalim ng MS-DOS. Ito ay noong Nobyembre 20, 1985, ang pagkakalabas ng Windows 1.0.


Pluto-01 Stern 03 Pluto Color TXT.jpg

Ang Pluto (designasyon ng planetang hindi pangunahin: 134340 Pluto) ay isang planetang unano sa Kuiper belt, isang sinturon ng mga bagay lampas sa Neptune. Ito ay ang unang bagay sa Kuiper belt na natuklasan. Ito rin ang pinakamalaki at ikalawang pinakamabigat na kilalang planetang unano sa Sistemang Solar at ang ikasiyam na pinakamalaking, ikasampung pinakamabigat na bagay na direktang umiinog sa Araw. May-akda ng larawan: NASA / Johns Hopkins University Applied Physics Laboratory / Southwest Research Institute


21st Presentation of SM Scholar -Graduates Batch 2017 Henry Sy tribute (cropped).jpg
  • Namatay sa gulang na 94 ang Pilipinong Tsino na negosyante at bilyonaryong si Henry Sy (nakalarawan).
  • Sa kabila ng usapin sa data breach o pagkawala ng datos sa kagawaran, pinirmahan ng Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na si Teddy Locsin ang isang Pangkagawarang Kautusan na tinatanggal ang sertipiko ng kapanganakan bilang isa sa mga kinakailanganang dokumento para sa pagpapanibago o renewal ng pasaporte ng mga Pilipino.
  • Isang teroristang pag-atake ang naganap sa isang otel sa Nairobi, Kenya na ginawa ng militanteng pangkat na nakabase sa Somalia na Al-Shabaab.
  • Naganap ang pinakamalaking pagtitipon ng mga tao sa mundo, ang pista ng Kumbh Mela, sa Prayagraj, India na higit sa 120 milyong deboto sa Hindu, pati na rin turista, ang inaasahang dadalo.
  • Isang Boing 707 na pang-kargamentong eroplano ang bumagsak sa Karaj, Iran, pagkatapos lumagpas ito sa rampa nang lumapag na nagdulot sa 15 patay at isang sugatan.

  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na sa lungsod ng Magadan sa dulong-silangang Rusya, isandaang araw lamang ang panahon ng pagtubo ng mga halaman doon dahil sa maginaw na klima?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?
    • ... na ang Golpo ng Leyte ay isang mayamang pinagkukunan ng alimango noong 1985?
    • ... na ang Lansangang N402 ng Philippine highway network ay binubuo ng mga daan sa Kabite na dumadaan sa mga bayan ng Tanza, Naic, Indang at Mendez at lungsod ng Tagaytay?
    • ... na ang pintang The Hands Resist Him ay nakilala noong 2000 bilang "nagmumultong pinta ng eBay"?

    Basahin sa ibang wika